Summary
Sobrang mainit pa ang isyung interview ni Karen Davila kay Alma Moreno na pinagtulungan pa ng mga netizens dahil sa kanyang mga kalokohang sagot. Nasa NAIA Terminal 3 ako nun at hinihintay ko ang aking flight papuntang Ilocos. Habang naghihintay ako sa waiting area ay nag ring ang aking cellphone. Si Dennis ito at tumakbo agad sa isip ko kung bakit napatawag ito. Nang masagot ko ang cellphone ko ay bumungad sa akin ang interview ni Karen Davila sa dating bomba star.