Summary
Patapos na ang taon at magpapasko na pero wala pa sa quota si Wilma. Ahente siya ng sikat na brand ng sasakyan. Gusto niya sanang umabot sa quota upang may pang noche buena na sila at magkaroon ng ipon para sa mga kapatid niya. Tumutulong kasi siya sa mga magulang niya na mapag aral ang dalawa pa niyang kapatid na si Peter at Paula. Ofw ang ama niya sa Qatar samantalang private school teacher naman ang kanyang ina.