Summary
Last memory ko sa pangyayari ay ang nakakabulag na ilaw sa harapan ng kotse ko. Hinde ko na makita ang daan at ang huling narinig ko ay ang malakas na ingay ng busina bago sumalpok ang sasakyan ko. Hinde ko na alam kung gaano ako katagal nawalan nang ulirat. Masyadong malabo ang na aalala ko. May ilaw akong nakikita na gumagalaw mula sa baba ng mata ko at paakyat. Bilog na ilaw na akala ko ay buwan. At may mga mukha na nasa harapan ko subalit hinde ko maaninag. Meron silang sinasabi na di ko maintindihan. Alam kong gumagalaw ang katawan ko kahit nakahiga lang ako. At biglang dumilim ulit ang paligid nang ako ay mapapikit.