Summary
Apat na taon nang mag asawa si Vinnie 35 yrs old at Emily 30 yrs old. Naninirahan sila sa isang bayan sa Pampanga. Medyo matagal na rin na magkasintahan silang dalawa subalit noong hinde pa sila kasal ay labag sa kalooban ng pamilya ni Emily ang relasyon nila dahil sa hinde nakapag tapos ng kolehiyo si Vinnie at ito ay nagtatrabaho lang sa isang pabrika noon. Si Emily naman ay maganda ang pamumuhay isang guro sa lokal na mataas na paaralan. Subalit ipinaglaban nila noon ang kanilang pagmamahalan at pinatunayan ni Vinnie na karapatdapat sya na maging kabiyak ni Emily kaya simula noong ikasal sila, nag ipon si Vinnie at nakapag pundar ng isang negosyo. Makalipas ang ilang taon ay lumago naman ito at nakapagpatayo sila ng isang magandang tirahan. Subalit sa inaakala nyang tatanggapin na sya ng pamilya ni Emily, mukhang naiinggit pa ang mga ito at minsan minsanan ay may kinakalat pa na chismis para siraan sya. Hinde naman na ito pinapansin ni Vinnie dahil mas focus nya pa ang pamilya nya lalo pa at may isa na silang anak ni Emily.