Summary
Simulan natin ang kwentong ito sa isang tanong. Isa ka bang tunay na lalake?
Kung ako ang sasagot, sasabihin kong hinde. Bakit kamo? Simulan natin sa pangalan ko. Ako ay si Francisco Braso. Oo yan ang apelyido ko. Machong macho diba? Ako ay 40 years old na at nagtatrabaho bilang isang security guard sa isang mall. 5’8 ang tangkad ko at moreno. Di naman sa nagmamayabang ako, eh sa tingin ko naman ay fit parin katawan ko. Medyo lumaki pero sabi pa ng mga bakla eh yummy.