Summary
Lihim ni Misis
Tagalog Sex Stories – PinoyHotStories.online
Isang tanghali. Pamasid-masid si Evelyn habang nakatayo sa gilid ng kalsada. Nasa isang sulok siya hawak ang kanyang phone. May katext ito. Nang mabasa nito ang text ng kanyang kausap ay ngumiti ito. Isinilid niya sa bag ang phone at pinagmasdan niya ang sarili sa salamin ng isang tindahan sa kinatatayuan niya. Maganda ang bihis ng ginang. Halatang nagpaganda siya. Maya-maya, isang kulay itim na kotse ang huminto sa harap niya. Bumusina ito kay Evelyn. Ngumiti ang ginang at nagtungo sa sundo niya. Bagaman tinted ang salamin ng sasakyan ay kilala ni Evelyn ang nagmamaneho nito. Ilang beses na nila itong ginagawa. Nagmamadaling binuksan ni Evelyn ang pintuan ng kotse sa tabi ng driver nito.