Summary
Dalawang taon nang nagtatrabaho sa Maynila ang mag-asawang Jonas at Nilda. Isang welder sa pier ang beinte otso anyos na si Jonas. Ang beinte singko anyos naman na si Nilda ay isang saleslady sa isang sikat na mall. Maayos naman ang kanilang pagsasama. Sa tatlong taon nila bilang mag-asawa ay hindi pa sila nabibiyayaan ng anak. Gayunman, nag-iipon silang dalawa para sa bubuuin nilang pamilya. Plano nilang makapagpatayo ng sarili nilang bahay sa bayan ni Nilda sa Visayas at doon ay magtatayo nalang ng isang maliit na kabuhayan.