Summary
Kalalabas lamang ni Anthony Collins sa isang sikat na pizza house. May dala dala pa itong apat na malalaking size ng pizza. Papasok na ito sa magarang sasakyan na nakaparada sa malapit na parking lot ng bigla itong harangin ng dalawang di nya kilalang lalake. Nasa tantyang edad trenta ang dalawang ito at parehong naka cap.
Tinulak si Anthony at napasandal itong nakaharap sa pinto ng sasakyan nya. Itinutok ang patalim sa batok nya na hawak ng isang lalake sa kanan nya.