Summary
Nagsimula na rin ang buhay eskwela ni Ben. Matagal narin niyang inaasam na makapagpatuloy sa pag aaral at ngayon ay may kurso na syang criminology na syang pinapangarap rin nya noon pa subalit pagkapasok pa lamang nya ay sinalubong na kaagad sya ng pagsubok.
Matapos makapagpakilala ay umupo si Ben sa isang silya sa bandang likuran. Pagkaupo nya ay biglang hinila ng isang lalakeng kaklase ang upuan na syang ikinatumba ni Ben. Nagsitawanan naman ang mga estudyante sa pangyayare at hiyang hiya si Ben dahil dito. Tinignan nya ng matalas ang binatang nag trip sya kanya. Isang maputing lalake at medyo malaki ang katawan na nakangiti pa at ngumangata ng bubble gum. Mukhang mayaman ang lalake at ramdam ni Ben na sigain ang aura nito.