Summary
Bagong Xperience (Lani)
Pinay Pantasya
Maagang nagkaanak si Lani sa edad na 16. Mula nuon, wala nang inatupag
si Lani kundi ang pagpapalaki sa kanyang anak na babae na pinangalanan
niyang Libby. Kahit single parent itong si Lani ay masipag naman at
matalino. Dahil dito, umangat ang career ni Lani mula sa pagiging staff
sa pagiging supervisor. Kahit madami ang nanliligaw kay Lani na lalong
naging maganda at seksi nung magkaanak, wala siyang sinagot kahit isa
at itinuon na lang ang kanyang atensiyon sa trabaho at sa anak. Kahit
ngayon nga na 41 years old na siya at isa nang manager, marami pa rin
ang nagnanais sa kanyang puso at sa katawan niyang makalaglag mata sa
mga kalalakihan.