Summary
9:00 pm
“Nikka makinig ka naman sa akin. Mali ang iniisip mo! “
“Ewan ko sayo Danny! Alam ko ang nakita ko. Wag mo akong gawing tanga!” sagot ng kasintahan ni Danny sa cellphone. Rinig rin sa background ang techno beats ng isang disco bar kung saan nakatambay si Nikka.
“Kaibigan ko lang yon Nikka. Please naman maniwala ka sakin. Kelan ba ako naka gawa ng panloloko at pambababae sayo? Wala pa naman diba?”
“Aba! Malay ko ba!? Malamang matagal mo nang tinatago sakin yang babae mo!”